The Eagle and the Maya
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong
yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad
na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong
niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating
dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila,
kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan
niya ng leksyon.
"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong
magsimula tayo?"
Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito
ang hamon niya.
"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto,"
buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim
ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas
sa pag-ulan.
"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera
ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan
natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit
ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman
ay bulak."
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa
talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan
ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal
na dadalhin naman nito.
"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.
"Aba oo, payag na payag ako."
"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon
tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon,"
wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang
panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang
pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala
ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila ,
kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni
Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang
lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok
ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
MENSAHE:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag
maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng
ating kapwa.
|