The Legend Of The Firefly
Noong unang panahon, may isang makisig
na binata na nais mag-asawa ng pinakamagandang dilag. Siya
ay mayabang at masyaong malaki ang pagkakilala sa sarili.
Kung minsan tuloy, nagdaramdam ang ilang mga dalaga s kanya
dahil sa pamimintas niya kahit nakaharap ang dalaga.
Isang araw, papunta na siya sa bundok upang manguha ng yantok
nang masalubong niya ang isang napakagandang dalaga na nakasuot
ng putting-puti.
"Napakagandang dalaga," wika niya sa sarili at
tuloy-tuloy na nilapitan niya ito.
Nang malapit na siya, nagtatakbo ang dalaga at nawalang
parang bula. Hinanap niya ang dalaga sa buong kagubatan
ngunit hindi niya nakita.
Sa tagal at hirap na dinanas ng binata sa paghahanap sa
dalaga, nagalit siya.
"hindi ka talaga maganda. Ang ilong mo'y pango, ang
mata mo ay duling at ang mga tenga mo ay malalapad!"
sigaw ng binata.
Dahil sa pagkahapo ay nahiga siya sa lilim ng punung-kahoy
para magpahinga. Naidlip siya at nang magising, nakita niya
ang magandang dilag. Alam niyang maganda talaga ang dalaga
at hindi totoo ang sinabi niya.
Siya ng dalaga, "ininsulto mo ako, kaya mula ngayon,
ikaw ay magiging isang kulisap. Manunumbalik lamang ang
anyo mo kapag naipakita mo sa akin ang isang dalagang mas
higit ang kagandahan sa akin. Humayo ka at hanapin mo ang
dalagang sinasabi ko para mabalik ang dati mong anyo,"
ang utos ng engkantadang babae.
Lumipad ang binatang naging kulisap upang hanapin ang babaeng
mas maganda pa kaysa sa engkantada. Naghanap siya gabi't
araw. Upang makita niya ang babaing gaganda pa sa sumpa
sa kanya, nagdala siya ng ilaw tuwing gabi. Ang binatang
yaon na naging kulisap ang tinawag natin ngayong alitaptap.
|